Malacañang nanindigan na walang nilabag sa utos na mass arrest sa mga komunista
Walang paglabag sa batas na ginawa si Pangulong Rodrigo Duterte nang ipag-utos niya sa Armed Forces of the Philippines ang mass arrest sa mga nakalalayang lider ng Communit Party of the Philippines – New People’s Army.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, may nakabinbing kaso sa korte ang mga nakalalayamng rebelde kung kaya walang dahilan para hindi sila ibalik sa kulungan.
Sinabi pa ni Panelo na kaya lang naman nakalaya ang mga nakakulong na rebelde ay dahil sa isinulong noon ng pangulo na peace negotiations.
Ngayong kanselado na ang peace negotiations ay kanselado na rin ang kanilang pansamantalang kalayaan./
Matatandaamg kamakailan lamang ay kinansela na ng pangulo ang alok na peace negotiations sa rebeldeng grupo dahil sa kawalan ng sensiradad at patuloy na pag atake sa mga pulis at sundalo pati na rin ang pangongolekta ng revolutionary tax sa mga sibilyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.