Million people march para kay Duterte, tuloy pa rin

By Jong Manlapaz, Kathleen Betina Aenlle September 21, 2015 - 05:13 AM

duterte pdiKasado na ang “Million people March” ng mga tagasuporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isasagawa sa Luneta Park sa September 26.

Ito ay para kumbinsehin ang alkalde na ituloy ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa halalan 2016.

Naniniwala si Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding chairman at president Dante Jimenez na walang pulitiko ang makapapantay o kayang tapatan ang nagawa ni Duterte sa Davao City.

Hinikayat din ni Jimenez ang publiko na sumama sa million people march bilang pagpapakita na rin ng suporta kay Duterte.

Ayon kay Jimenez, nakakalungkot kung sakaling tanggihan ni Duterte ang panawagan ng publiko na tumakbo ito sa pagkapangulo lalo na at sawang-sawa na ang mga mamamayan sa mga nangyayaring krimen araw-araw.

Matatandaang nauna nang nagsabi si Duterte na hindi siya pupunta sa nasabing kaganapan dahil pinaninindigan niya ang kaniyang anunsyo na hindi siya tatakbo, kaya’t hinikayat na rin niya ang iba na itigil na ito at huwag nang ituloy pa.

TAGS: 2016 elections, 2016 elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.