Security escort ni Robredo inakusahan ng pagnanakaw sa NAIA

By Jan Escosio December 07, 2017 - 03:31 PM

Beneberipika na kung kabilang talaga sa close-in security details ni Vice President Leni Robredo ang lalaking tumangay ng cellphone battery charger ng isang babaeng guwardiya sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Base sa ulat, pasado alas-sais ng gabi noong Nobyembre 16 nang mangyari ang insidente sa VIP Security Checkpoint sa Arrival Area ng paliparan.

Ayon kay security officer Girlie Gobaton, naka-charge ang kanyang cellphone battery ng mga sandaling iyon nang makaramdam siya ng tawag ng kalikasan pagbalik niya mula sa comfort room ay wala na ang battery at charger na nakasaksak sa isang electrical outlet.

Agad niya itong isinumbong sa naka-duty na airport police at nang panoorin nila ang CCTV footages ay nakita ang isang lalaking naka-suot ng berdeng barong at kabilang umano sa security escorts ni Robredo na siyang tumangay ng battery at charger.

Nabatid na noong gabing iyon parating mula sa Cagayan de Oro City at sakay ng Cebu Pacific si Robredo.

Hiniling na ni Gobaton sa pamunuan ng Manila International Airport Authority at Office for Transport Security na makipag ugnayan sa Office of the Vice President para makuha ang kanyang mga gamit.

TAGS: leni robredo, NAIA, Security detail, vice president, leni robredo, NAIA, Security detail, vice president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.