MPD, nagpaliwanag sa kampanya kontra-petty crimes
Sa mga maliliit na krimen o paglabag sa mga simpleng ordinansa nagsisimula ang malalaking krimen.
Ito ang paliwanag ni Manila Police District Spokesman, Supt. Erwin Margarejo sa gitna ng mga batikos na inaani ng MPD patungkol sa mga hinuhuling indibiduwal na lumalabag sa mga ordinansa ng lungsod.
Kamakailan ay sinimulan ng MPD ang panghuhuli sa mga nag-iinuman sa mga lansangan, nagdadala ng mga patalim, nagsusugal sa kalye gaya ng cara y cruz, baraha at iba pang paglabag sa kasalukuyang umiiral na city ordinance.
Iginiit ni Margarejo na nagsisimula sa mga maliliit na paglabag ang mga malalaking insidente kaya habang maaga pa ay pinagtutuunan na nila ng pansin o habang hindi natututo ang mga Manileño na sumunod sa batas na mahigpit na ipinaiiral sa Manila.
Ayon kay Margarejo, kung hindi nila paghuhulihin ang mga rugby boys, umiinum sa pampublikong lugar, nagsusugal ng kara y cruz at iba pang mga paglabag sa mga Ordinansa ay makakasanayan na sa Lungsod ang ganuong uri ng pangit na gawain na posibleng tularan ng mga kabataan sa Lungsod ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.