Naglabas ang Department of Justice ng Department Order 779 na nag-aatas sa Office of the Prosecutor General na maghain ng petisyon sa deklarasyon ni Pangulong Rodigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army bilang teroristang grupo.
Ang utos ay salig mismo sa atas ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa OSG kung saan ipinahahain ang petisyon sa kaukulang Regional Trial Court bilang pagtalima sa Memorandum Order mula sa Executive Secretary matapos maglabas ng proklamasyon ang Pangulo na pormal nang nagdedeklara sa CPP-NPA bilang mga terorista.
Nauna nang sinabi ni Aguirre na target nilang makapaghain ng naturang petisyon sa RTC bago ang December 11.
Kumpiyansa ang Kalihim na papaboran ng Korte ang kanilang petisyon dahil na rin anya sa mga ebidensyang magpapatunay na ang mga ginagawa ng CPP-NPA ay gawain na ng isang teroristang grupo.