Body camera, isusuot na ng enforcers ng MMDA
Magsusuot na ng body cameras ang mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority para paigtingin ang kanilang kapabilidad sa pamamahala at monitoring ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Iprinisinta ni MMDA Chairman Danny Lim sa media ang 20 body cameras na gagamitin ng kanilang traffic enforcers.
Ang 20 body cameras ay donated sa MMDA ng kumpanyang PC WORX.
Ayon kay PC WORX Vice President Ferwin Lao, nagbigay siya ng mga body cameras bilang suporta sa programa ng MMDA na labanan ang kurapsyon sa lansangan.
Ang presentasyon ng mga donated na body cameras ay sinaksihan din nina MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia at Task Force Special Operations Head Bong Nebrija.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.