Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na huwag mangamba ngayong pinabalik na ni Pangulong Rodrigo duterte ang Philippine National Police sa anti-drug war campaign.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, maging ang Human Rights Watch ay hindi dapat na mabahala.
Paliwanag pa ni Panelo, malabo ang sinasabi ng HRW na lalaganap na naman ang patayan dahil may reporma nang ipinatutupad ang PNP sa kanilang hanay.
Ayon kay Sec. Panelo, kung sakali mang may paglabag ang mga pulis, hindi naman ito kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero nauunawaan naman umano ni Panelo ang nasabing pangamba ng publiko dahil sa mga naitalang patayan sa anti-illegal drugs operations ng PNP bago tuluyang ipinaubaya ang trabaho sa Philippine Drug Enforcement Agency.