Ex-Senator Jinggoy Estrada, hiniling sa Ombudsman na makalabas ng bansa

Inquirer File Photo

Humiling sa Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na payagan siyang lumabas ng bansa, apat na buwan makalipas itong pansamantalang makalaya matapos magpiyansa.

Sa kanyang mosyon sa Fifth Division ng Sandiganbayan, sinabi ni Estrada na layon ng kanyang furlough ang bonding ng kanyang pamilya sa Hong Kong.

Hirit ng dating Senador sa korte, payagan siyang umalis ng bansa mula December 26 hanggang 31.

Ang dating mambabatas, ang misis nitong si Precy at mga anak na sina Janella, Jolo, Julina at Jill ay mananatili sa Marco Polo Hotel sa Kowloon district.

Una nang pinayagan si Estrada na lumabas ng bansa noong November 11 hanggang 20 nang samahan nito ang ama na si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada na magpagamot sa Singapore.

Read more...