Ama ng Grade 5 student na nasawi matapos bakunahan ng Dengvaxia, nanawagan ng hustisya

By Marilyn Montaño December 07, 2017 - 12:21 PM

Inquirer file photo

Hustisya ang nais ng ama ng isang grade 5 student na nasawi sa severe dengue matapos tumanggap ng bakuna na Dengvaxia.

Ayon kay Nelson de Guzman, ama ni Christine Mae, dapat na may managot sa naturang vaccination program.

Dumulog na si De Guzman sa Volunteers Against Crime and Corruption na hiniling naman sa Department of Justice na suriin ang mga katawan ng tatlong bata na pinaniniwalaang namatay dahil sa matinding epekto ng Dengvaxia.

Naniniwala ang ama na kung hindi nabakunahan ang kanyang anak kontra dengue ay buhay pa ito ngayon.

Si Christine, na walang history ng dengue infection, ay dumanas ng matinding sakit ng ulo at lagnat noong October 11, 2016.

Dinala ito sa Bataan General Hospital noong October 14 ng parehong taon at namatay kinabukasan.

Una itong tumanggap ng Dengvaxia shot noong April 2016.

Himutok ni De Guzman, isang taon makalipas na pumanaw ang kanyang anak ay wala silang natanggap na tulong mula sa Department of Health at sa kanilang lokal na pamahalaan.

 

 

TAGS: bataan, Dengvaxia, vacc, bataan, Dengvaxia, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.