Termino ni AFP Chief of Staff Guerrero, pinalawig ni Pang. Duterte

By Chona Yu, Marilyn Montaño December 07, 2017 - 12:04 PM

Pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero ng apat na buwan pa o hanggang April 2018.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinirmahan kahapon, December 6 ang extension of service ni Guerrero.

Ayon kay Roque, maaabot na ni Guerrero ang kanyang age of compulsory retirement sa December 17.

Pero nagdesisyon umano ang Pangulo na panatilihin pa si Guerrero sa pwesto bilang AFP Chief of Staff hanggang April 24 ng susunod na taon alinsunod sa Republic Act No. 8186 o ang batas na naglilimita sa termino ng mga opisyal ng AFP.

Dahil dito, magiging anim na buwan ang serbisyo ni guerrero bilang Chief of Staff kasunod ng pag-upo nito sa pwesto noong October 26.

TAGS: AFP, guerrero, AFP, guerrero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.