Pope Francis, nasa bansang Cuba para sa 4-day visit
Kasalukuyang nasa bansang Cuba si Pope Francis para sa kanyang apat na araw na pagbisita.
Kahapon ng madaling araw, oras sa Pilipinas, nang dumating sa Cuba ang Santo Papa kung saan sinalubong siya mismo ni Cuban President Raul Castro, pagkalapag sa Havana.
Nanawagan ang Santo Papa sa simbahan sa Cuba, na magkaroon ng kalayaan upang maisakatuparan ang misyon nito.
Aniya, ang malaking pakikiisa ng mga Katoliko sa Cuba ay mahalaga upang matamo ang hangad nitong kapayapaan at kalayaan.
Nakatakda namang magmisa ang Santo Papa sa Revolution Square sa kanyang ikalawang araw sa Cuba, kung saan nagdaos din noon si Pope John Paul II ng isang makasaysayang misa.
Lubos naman na nagpapasalamat si President Castro kay Pope Francis, para sa malaking kontribusyon ng Papa sa pagbabalik ng maayos na relasyon ng Cuba at US, matapos ang halos 50 taong cold war.
Umaasa naman ang Cuba na babawiin na ng Amerika ang economic embargo laban sa Havana, matapos dumalaw si Pope Francis sa kanilang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.