Pusher, arestado sa isang lamayan sa Brgy. Old Balara, Quezon City

By Justinne Punsalang December 07, 2017 - 08:11 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Arestado ang isang hinihinalang drug pusher sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Marvon Libo-on, 38 taong gulang.

Ayon kay Chief Insp. Sandie Caparroso, modus-operandi na ni Libo-on na tumambay sa mga lamayan, partikular na kung saan may naglalaro ng cara y cruz.

Nagsusugal rin umano ang suspek, at doon na rin siya nagsasagawa ng mga iligal na transaksyon.

Narekober sa suspek ang 3.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,000 ang halaga, at isang digital weighing scale.

Labas-pasok na rin sa kulungan ang suspek, at kalalaya rin lamang nito noong Hunyo dahil rin sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Palusot naman ng suspek, napilitan lang siyang magbenta ng droga dahil hindi siya makakuha ng mga kaukulang dokumento tulad ng NBI at Police Clearance na kailangan niya sa paghahanap ng matinong trabaho.

 

TAGS: drug operation, Pusher Nabbed, quezon city, drug operation, Pusher Nabbed, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.