Anak ni dating Sen. Jaworski, mahaharap sa maraming kaso

By Kathleen Betina Aenlle September 21, 2015 - 04:37 AM

shooting generic
Inquirer file photo

Matapos makipag-barilan sa mga pulis, nahaharap sa mga kasong multiple attempted homicide, direct assault at illegal possession of firearms si Ryan Joseph Jaworski, anak ng dating basketball star at Sen. Robert Jaworski.

Ito ay kasunod ng shoot-out na naganap bandang ala una ng madaling araw noong Sabado sa kanto ng Chino Roces Ave. at Arnaiz Ave. sa Makati City.

Bagaman nakatakas ang nakababatang Jaworski, naaresto rin siya Makati Medical Center kung saan sila tumungo para ipagamot ang kaniyang tama ng baril sa hita.

Kasama rin sa naaresto si Joselito Au na driver ng sasakyang ginamit ni Jaworski, ngunit bigo namang maaresto ang isa pa nilang kasama na si Ferdinand Parago na hanggang ngayon ay at large pa rin.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Chief Insp. Kim Molitas, matagal nang minamatyagan ng Regional Police Intelligence Unit (RPIOU) ang grupo nina Jaworski dahil sa kanilang mga gunrunning activities.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis sa pamamagitan ng pakikipag-negosasyon sa mga suspek na bumili ng baril, at nagkasundo naman sila na magkita sa tapat ng isang coffee shop.

Ni hindi naman naganap ang nakaplanong bentahan, dahil sa mismong pagdating ng mga operatiba ng RPIOU ay pinagbabaril na sila ng grupo nina Jaworski na tila nakatunog sa magaganap na operasyon.

Sa isang paunang report sa Makati City Police headquarters, nagsimulang magpaputok ang dalawang suspek na nasa loob ng isang Nissan Sentra na may plakang WNE 425 sa mga pulis na nakasakay sa dalawang van.

Nang tamaan nila ang isa sa mga van, bumawi ng putok ang mga pulis na sakay nito.

Ilang oras ang nakalipas, natunton ng mga pulis ang mga suspek sa MMC kung saan nakita rin ng mga pulis sa basement ng ospital ang ginamit nilang sasakyan na may tama pa ng baril sa windshield.

Natagpuan naman ng Scene of the Crime Operatives ng Southern Police District ang isang casing ng baril na hindi pa natutukoy kung anong kalibre sa sahig ng sasakyan, at isang shotgun rifle sa compartment nito kasama ang iba’t ibang uri ng bala.

Dati nang naaresto si Jaworski taong 2002 dahil sa pamamaril ng mga daga sa isang bakanteng lote sa San Juan City, at nasugatan ng tama ng bala sa parehong binti noong 2004 matapos naman makipagbarilan sa anak ng isang trader.

TAGS: robert jaworski son charged, ryan joseph jaworski, robert jaworski son charged, ryan joseph jaworski

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.