Kinilala ang suspek na si Derek Nevado Framil, 46 taong gulang at isang dating contractor.
Sa bisa ng isang search warrant ay sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at QCPD Station 3 – Talipapa ang bahay ni Framil.
Ayon kay QCPD Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, pawang ang mga baril lamang talaga ang kanilang habol ngunit sa pagsasagawa ng raid ay nakumpiska rin nila ang mga iligal na drogang hawak ni Framil.
Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .45 na baril, kalibre .38 na revolver, bala para sa mga naturang baril, mga bala ng airgun, mga drug paraphernalia, at 30 pakete na naglalaman ng nasa 20 gramo ng shabu.
Tinatayang nasa ₱100,000 ang kabuuang halaga ng mga nasabat na iligal na droga.
Mahaharap si Framil sa magkapatong na kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.