Jerusalem, kikilalanin na bilang kabisera ng Israel ng US ayon kay Trump

By Jay Dones December 07, 2017 - 02:36 AM

 

Sa pambihirang pagkakataon, opisyal nang idineklara ni US President Donald Trump na simula ngayon ay kikilalanin na ng Estados Unidos bilang kabisera o kapitolyo ng Israel ang Jerusalem.

Sa kanyang pahayag sa White House, sinabi ni Trump na kanyang tinutupad lamang ang dapat sana’y noon pa ginawa ng mga nakaraang presidente ng Amerika.

Ito rin ay bahagi ng kanyang pangako noong panahon ng kampanya sa Israel at sa mga bansang kaalyado ng Amerika sa rehiyon.

Bilang bahagi ng hakbang, plano rin na ilipat ang embahada ng Amerika mula sa Tel Aviv, tungong Jerusalem.

Ang Jerusalem ay kapwa inaangkin ng Israel at Palestine na isang Muslim dominated na bansa.

Dahil sa hakbang ni Trump, inaasahang aani ito ng negatibong reaksyon mula sa Palestine at sa iba pang mga bansa sa Middle East.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang pangulo ng Amerika ang kumilala sa Jerusalem bilang kabisera ng Israel.

Sa loob ng pitompung taon mula nang maitaguyod ang bansang Israel, nakabase ang embahada ng Amerika at karamihan sa mga bansang may ugnayan sa naturang bansa sa Tel Aviv.

Ito ay dahil wala pang pinal na desisyon ukol sa Israeli-Palestinian peace negotiations mula noon.

Taong 1947 nang ideklarang international city ng United Nations ang Jerusalem sa ilalim ng orihinal na partition plan nito sa Palestine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.