AFP, humingi ng tulong sa mga sibilyan laban sa ISIS recruitment

By Kabie Aenlle December 07, 2017 - 01:54 AM

 

Nananawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga residente na makipagtulungan sa militar sa pagsugpo sa sinasabing recruitment umano ng Islamic State sa Marawi City.

Ayon kay AFP public affairs chief Col. Edgard Arevalo, kailangan nila ang pakikilahok ng mga mamamayan at ng lokal na pamahalaan upang mapigilan ang pag-anib ng mga tao sa teroristang grupo.

Bilin ni Arevalo sa mga tao, sakaling may mapansin na mga hindi karaniwang aktibidad o kahina-hinalang mga tao na nag-iikot sa kanilang mga lugar, mangyari lamang na isumbong ito agad sa militar upang agad na maberipika at maaksyunan.

Inasahan na rin aniya nila ang recruitment ng teroristang grupo dahil alam nilang hindi nila basta tatanggapin ang kanilang pagkatalo sa Marawi City.

Gayunman, tiniyak ni Arevalo na nakahanda ang AFP na aksyunan ito at pigilan ang pagpapalakas muli ng pwersa ng mga kalaban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.