Hindi na bago ang kwento ng mga modus sa mga pamilihan tuwing sasapit ang Kapaskuhan.
Gayunpaman, isang post ng nagngangalang Geygey Santos Hadji sa Facebook ang nag-viral matapos niyang ibahagi ang insidente ng pangreretoke ng ilang mapagsamantala sa mga pera upang magmukhang mataas ang halaga.
Batay sa kwento ni Geygey Santos Hadji sa kanyang post, hindi niya napansin na ang tinanggap niyang P50 bill ay niretoke lamang pala na P20 bill.
Ayon sa kwento ng biktima, isinukli sa kanya ito nang mamili siya sa Divisoria sa Maynila.
Kinulayan ng kulay pulang gamot ang bente pesos upang maging kakulay ng singkwenta at binura ang numerong “2” at pinalitan ng “5”.
Hindi niya anya napansin na bente na naging singkwenta ang natanggap niya dahil sa siksikan ang mga mamimili at malabo ang kanyang mata.
Payo naman niya sa publiko at sa kanyang sarili ay mas maging alerto sa pamimili.