Piyansa at kalayaan ng mga rebel leaders, pinababasura na ng DOJ sa korte

December 07, 2017 - 03:30 AM

 

Naghain na ang Department of Justice (DOJ) ng mosyon para ibasura ng korte ang provisional liberty na ipinagkaloob sa mga rebelde na sina Benito Tiamzon, Wilma Tiamzon at Edilberto Silva.

Hiniling ito nina state prosecutors Olivia Laroza-Torrevillas at Aristotle Reyes sa Manila Regional Trial Court Branch 32, upang maialis ang pansamantalang kalayaang ibingay sa mga ito matapos kanselahin nang tuluyan ang peace talks sa mga rebelde.

Ikinatwiran ng mga DOJ prosecutors na pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 360 na opisyal na nagwawaksi sa peace talks ng pamahalaan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Nakasaad sa mosyon na wala nang legal ground para ipagpatuloy ang provisional liberty ng mga akusado bunsod ng mga nabanggit na kadahilanan, kaya dapat na ring kanselahin ang bail ng mga ito.

Samantala noong Martes naman ay nilagdaan ng pangulo ang proklamasyon na nagdedeklara sa CPP at NPA na mga terorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.