San Miguel Corp., magbibigay ng libreng sakay sa bus sa EDSA

By Kathleen Betina Aenlle September 21, 2015 - 10:00 AM

san-migMagbibigay ng libreng pasakay sa bus na babaybay sa kahabaan ng EDSA ang San Miguel Corporation ngayong araw, Sept. 21, bilang bahagi ng kanilang community service programs para sa kanilang ika-125 na anibersaryo.

Ayon kay SMC president Ramon S. Ang, ang kilos na ito ay naglalayong magbigay ng positibong epekto sa komunidad na kanilang pinagsisilbihan, na may kaugnayan na rin sa kanilang bagong slogan na “Your world made better.”

Napili ng SMC ang Metrolink Bus Corp., na maglalaan ng walong bus na bumabagtas sa rutang Malanday-Ninoy Aquino International Airport para magbigay ng libreng sakay mula 5:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon.

Dagdag pa ni Ang, naisip nila na makakatulong ito sa mga naaabala ng trapiko araw-araw, dahil maliban sa libreng sakay, may libreng, wifi, pameryenda at ilang minor corporate giveaways para sa mga pasahero.

Magkakaroon pa ng mga “surprise volunteer guests” na sasakay sa mga bus na magpapasaya sa mga pasahero sa piling mga oras.

TAGS: san miguel free bus ride, san miguel free bus ride

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.