Panukalang emergency powers vs traffic, ‘pakulo’ lamang ni Sec. Tugade-Duterte

By Chona Yu December 07, 2017 - 03:27 AM

 

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kailanman humingi ng emergency powers sa Kongreso para maresolba ang matinding traffic sa metro manila.

Paliwanag ng pangulo, pakulo lamang ni Transportation Secretary Arthur Tugade at ng mga Councilors ang emergency powers dahil sa tingin nila, ang emergency powers ang magiging daan para masolusyunan ang naturang problema.

Sinabi pa ng pangulo na hindi siya kailanman lumapit sa Kongreso na kahit tanungin pa sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Nanindigan pa ang pangulo na wala rin siyang hininging pabor maging sa Philippine National Police para sa kanyang anti-drug war campaign.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.