Putin, tatakbong muli sa pagka-presidente ng Russia
Tatakbong muli sa eleksyon sa Marso ng susunod na taon si Russian president Vladimir Putin.
Inanunsyo ng Russian leader ang kanyang paghahangad na muling maging presidente habang nakikipagpulong sa mga manggagawa ng GAZ factory sa syudad ng Nizhny Novgorod.
Kung sakaling manalo sa susunod na eleksyon at manatiling pangulo ng Russia sa susunod na anim na taon, siya na ang ituturing na longest-serving president simula noong panahon ni Joseph Stalin.
Sa kasalukuyan, si Putin ay labing-walong taon nang nanunungkulan bilang lider ng Russia.
Inaasahan ring malaki ang magiging posibilidad na manalong muli si Putin dahil sa umaani pa rin ito ng 80 percent popularity rating sa kanyang bansa.
Ito’y sa kabila ng mga umano’y alegasyon ng korupsyon, kahirapan at mahinang healthcare program ng kanyang aministrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.