Inamin ng Armed Forces of the Philippines na nagsimula na ang pagpapalakas ng pwersa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army matapos silang ideklarang mga terorista ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang panayam sa senado, sinabi ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, batay ito sa kanilang mga natanggap na impormasyon.
Ito aniya ang dahilan kaya mas matindi ang ginagawa nilang pagbabantay ngayon lalo’t nalalapit pa ang anibersaryo ng komunistang grupo.
Samantala, labing-isang araw bago ang kaniyang pagreretiro, lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments ang promosyon ni Guerrero.
Inaprubahan ng CA na maitaas ang kanyang ranggo sa four-star general bilang pinakamataas na pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Si Guerrero ay itinalaga sa pwesto ng pangulo noong October 26 kapalit ni dating chief of staff Eduardo Año pero nakatakda na itong magretiro sa December 17 pagsapit nya sa edad na 56.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.