Sandra Cam binigyan ng posisyon ni Duterte sa PCSO

Inquirer photo

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang jueteng scam whistle blower na si Sandra Cam bilang bagong miyembro ng board of directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Bukod kay Cam, itinalaga rin ng pangulo si Bong Suntay bilang isa sa mga kasapi sa board of directors ng PCSO.

Ang dalawa ay kabilang lamang sa mga bagong appointees ni Pangulong Duterte na manunumpa ngayong araw sa Malacañang.

Manunumpa rin sa kanyang pwesto bilang Department of Foreign Affairs Undersecretary si dating Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Bukod sa mga bagong appointee, manunumpa rin ngayon sa harap ng pangulo ang mga bagong halal na opisyal ng Malacañang Press Corps.

Read more...