S.C clerk of court ilang beses nasermonan sa pagdinig ng House Justice Committee
Nakatikim ng sermon mula sa mga kongresista si Atty. Felipa Anama na siyang clerk of court ng Supreme Court en banc matapos itong ipilit ang confidentiality ng raffle may kinalaman sa kaso ng Maute group.
Sa kanyang sagot sa mga tanong ng mga miyembro ng komite, sinabi ni Anama na wala siyang record may kaugnayan sa nasabing raffle dahil ito ay itinuturing na confidential matter sa ilalim ng rule 7 ng internal rules ng Supreme Court.
Ayon kay House Committee Chair Reynaldo Umali, nadesisyunan na ng korte ang administrative matter kaugnay sa paglilipat ng kaso ng Maute kaya wala ng rason para igiit ni Anama ang sinasabi nitong confidentiality.
Bukod dito, sinabi na rin anya ni Chief Justice Sereno sa kanyang sagot sa alegasyon ni Atty. Larry Gadon na siya ang member in charge sa mosyon.
Iginiit din ni Anama na nagtungo lamang siya sa Kamara upang magsumite ng mga dokumento na ipinasubpoena ng justice committee.
Hindi rin anya kasama ang kanyang pangalan sa inaprubahan ng Supreme Court na tumestigo sa Kamara pero nagsalita na rin siya dahil naroon na siya sa pagdinig.
Dahil dito, pinagsabihan ni Umali si Anama na tigilan ang kanyang pamimilosopo at makipagtulungan na lamang sa komite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.