Nailibing na kaninang hapon ang Sultan ng Sulu at North Borneo na si Esmail Kiram II na nasawi dahil sa kidney failure.
Ang mga labi ni Sultan Kiram ay ibiniyahe sa Jolo, kung saan agad siyang inilibing alinsunod sa paniniwalang Islam.
Ang Naval Forces Western Mindanao Command ang nag-asiste sa pamilya Kiram, sa pamamagitan ng pagpapahiram ng air and water assets para madala sa Jolo ang bangkay ng Sultan.
Sinabi ni Col. Arthur Biyo, Deputy Commander ng Naval Forces Western Mindanao Command, ang kanilang pagtulong sa Kiram family ay bilang pagbibigay-pugay sa royal family na umaako sa ilang bahagi ng Malaysia, partikular ang Sabah.
Ayon kay Datu Hydier Al Kiram, panganay na anak ni Sultan Kiram, noong unang bahagi ng taon ay idinadaing na ng kanyang ama ang labis na pananakit ng tiyan.
Kamakailan lamang aniya nila nalaman na may sakit sa kidney si Sultan Kiram na na-confine sa ospital sa loob ng ilang linggo.
Batay sa tagapagsalita ng Sultanate of Sulu na si Abrahim Idjarani, si Phug dal Kiram ang papalit bilang bagong Sultan ng Sulu at North Borneo.
Namatay ang sultan sa edad 75 taong gulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.