Bangko Sentral ng Pilipinas, naglabas ng mga perang papel na may “enhanced designs”

By Jimmy Tamayo December 06, 2017 - 11:31 AM

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga banknotes o mga perang papel na may “enhanced designs.”

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na wala naman silang binago sa New Generation Currency bagaman pinatingkad nila ang ilang disenyo para mabigyan ng pansin ang kasaysayan at likas na yaman ng bansa.

Sa mga banknote na inilibas simula martes, Dec. 5, mapapansin ang ilan sa pagbabago gaya nang nakalagay sa P200 bills kung saan naka-highlight ang Declaration of Philippine Independence at ang Malolos Congress.

Makikita naman sa P50 bills ang katagang “Leyte Landing October 1944” sa halip na “Leyte Landing” lang na gaya ng makikita sa limang pera.

Naglinaw naman ng BSP na mananatiling “legal tender” ang mga pera na walang pagbabago sa disenyo.

Inaasahan na maglalabas din ng mga bagong pera kung saan nakalagay naman ang pirma ng bagong Bangko Sentral Governor Nestor Espenilla,Jr. na nagsimulang manungkulan noong hulyo.

Inalis din ang imahe ng Order of Lakandula Medal at ang katagang “MEDAL OF HONOR” sa P20, P50, P100, P200 at P1,000.

Mapansin din ang pagbabago sa format ng mga scientific names at sa font size o laki ng letra ng “year mark.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.