DFA, pinag-iingat ang mga Pinoy sa California dahil sa malawakang wildfire
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs ang mga Pinoy sa southern California dahil sa malawakang wildfire.
Ayon sa DFA, kung kinakailangan o kung ipag-uutos ng mga otoridad ang paglikas, ay sumunod na lamang para hindi na madamay o mapahamak pa sa sunog na mabilis na kumakalat sa tatlong lugar sa California.
Sinabi din ng ahensya na masusi nilang binabantayan ang sunog sa Ventura County at Los Angeles County, kung saan maaaring maapektuhan ang nasa 115,000 na miyembro ng Filipino community.
Payo naman ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano sa mga Pinoy na maaapektuhan ng sunog, agad na makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Los Angeles kung kinakailangan ng tulong.
Nagpaabot din si Cayetano ng pakikiisa sa mga Filipino sa pagdarasal na mailayo sila sa kapahamakan.
Dahil sa wildfire, nagdeklara ng state of emergency si California Governor Jerry Brown matapos ilikas ang nasa 27,000 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.