Lalaki, arestado dahil sa pagnanakaw ng alak sa QC
Arestado ang isang lalaki matapos nitong magnakaw ng alak sa isang supermarket sa Cubao, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Eric Belen, tatlumput walong taong gulang na mula pa sa bayan ng Taytay sa Rizal.
Ayon kay PO3 Wynchester Lamorena ng Quezon City Police District Station 7, nagpanggap na customer si Belen nang ito ay pumasok sa loob ng supermarket.
Kinuha nito ang dalawang bote ng halos tig-dalawang litrong alak at isinilid ang mga ito sa kanyang sling bag.
Napansin ito ng isang empleyado ng establisimyento kaya naman inabangan niya kung magbabayad ba si Belen.
Nang papalabas na ang suspek ay kaagad itong hinarang ng mga empleyado ng supermarket at binawi ang mga bote ng alak na dapat sana ay nanakawin.
Hindi naman kumikibo si Belen nang tanungin kung pang sariling gamit ba o ibebenta niya ang mga dapat sana’y tatangayin na mga alak.
Mahaharap ngayon sa kasong shoplifting o pagnanakaw si Belen na kasalukuyang nakaditine sa QCPD Station 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.