Kinilala ang biktimang si Gilber Angoluan na isang security guard.
Nagtamo si Angoluan ng bali sa daliri at kanang paa, bukod pa sa dislocated na kanang balikat.
Kwento ng mga saksi, sinubukan ng biktima na iwasan ang sasakyan sa harapan nito, dahilan para mawalan ng balanse mula sa kanyang motor.
Aminado naman si Angoluan na naka-inom ito, pero giit niya, hindi pa siya tuluyang lasing.
Maswerteng may dumaan na doktor sa pinangyarihan ng aksidente kaya naman agad na nalapatan ng paunang lunas ang biktima bago dinala sa ospital.
MOST READ
LATEST STORIES