Sanofi, nais makipag-dayalogo sa FDA

By Kabie Aenlle December 06, 2017 - 03:21 AM

Nais ng Sanofi Pasteur na makipag-dayalogo sa Food and Drug Administration (FDA) matapos ipagutos ng ahensya ang pag-pull out sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa merkado sa Pilipinas.

Sa inilabas na pahayag ng Sanofi, sinabi nilang nakarating na sila ang posisyon ng FDA kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia.

Dahil anila dito, makikipagtulungan sila sa FDA upang ma-review ang magiging implementasyon ng kanilang kautusan.

Patuloy din silang hihingi ng “constructive and transparent dialogue” sa FDA kaugnay ng isyu.

Samantala, tiniyak naman ng Sanofi sa publiko na walang nilalaman na anumang virus ang Dengvaxia na maaring magbigay ng dengue o severe dengue sa mga tao.

Giit ng Sanofi, kung hindi pa nagka-dengue ang isang tao, hindi naman ito magkakaroon ng dengue oras na maturukan.

Matatandaang naglabas ang FDA ng advisory na nag-uutos na suspindehin ang bentahan, distribusyon at marketing ng Dengvaxia, kasabay ng pag-alis nito sa merkado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.