P5M halaga ng shabu, nasabat sa Zamboanga

By Justinne Punsalang December 06, 2017 - 03:14 AM

Arestado ang limang kalalakihan sa ikinasang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel parking lot sa kahabaan ng Santa Maria Road sa Zamboanga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Rajan Quijano, Sahari Addalani Sabturani, Gasi Hadjirul Waliyul, Kizzle Rajan Tungupon, at Albajir Sanny.

Ayon kay PDEA Regional Director Lyndon Aspacio, si Sabturani ay isang miyembro ng kilabot na sindikato ng droga na “Kubal Drug Group.”

Nasabat mula sa mga suspek ang 20 sachet na naglalaman ng kabuuang 50 gramo ng hinihinalang shabu. Tinatayang nasa P5 milyon ang street value nito.

Narekober rin ng mga otoridad ang P1.5 milyong buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9465 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.