Oplan Tokhang, hindi dapat katakutan ayon kay SolGen Calida

Hindi dapat katakutan ang Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida sa pagpapatuloy ng oral arguments tungkol sa pagtutol sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Paglilinaw ni Calida, magkaiba na ang tokhang at ang mga police operations.

Aniya, ang tokhang ay nakatuon sa pagkumbinsi sa mga gumagamit ng iligal na droga na magbago at tumigil na sa paggamit ng droga, at sumailalim sa rehabilitation program ng pamahalaan. Habang ang police operations naman ay ang pagbili ng shabu mula sa mga pusher sa pamamagitan o sa tulong ng mga police asset at matapos nito ay huhulihin na ang mga suspek.

Paliwanag pa ni Calida, posible ring gawin ang tokhang hindi lamang sa mga mahihirap na komunidad, ngunit maging sa mga high-end subdivisions.

Ayon pa dito, ang Oplan Tokhang ay ang ‘lower barrel’ ng ‘Double Barrel’ campaign, habang ang mismong pagsasagawa ng mga buy bust operations ay ang ‘upper barrel’ o mas kilala sa tawag na ‘Project High-Value Target (HVT).’

Read more...