Pilipinas, maaring kumalas na sa Rome Statute of the International Criminal Court
Ibinunyag ng Palasyo ng Malakanyang na maaring kumalas na ang Pilipinas sa Statute of the International Criminal court gaya ng ginawa ng tatlong estado sa South Africa.
Ito ay kung patuloy na pakikialaman ang ikinasang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo duterte na ayon sa mga kritiko ay nauwi na sa extra judicial killings.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magtutungo siya sa New York para dumalo sa International Criminal Court Assembly of the State Parties na isang ‘policy making body’ ng ICC.
Gayunman, sinabi ni Roque na hindi pa naman naisasapinal ang statement at maari pa itong mabago.
Nangako naman aniya ang Pilipinas na mananatiling miyembro ng ICC dahil sa ‘principle of complimentarily’. Ibig sabihin, magkakaroon lamang ng hurisdiksyon ang Icc kapag hindi inaksyunan ng korte ng Pilipinas ang mga kaso.
Matatandaang una nang naghain ng kasong crime against humanity si Edgar Matobato laban sa ICC dahil sa hindi umano inaaksyunan ng korte ng Pilipinas ang mga kasong pagpatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.