PNP kasama na ulit sa war on drugs ng gobyerno

By Chona Yu, Den Macaranas December 05, 2017 - 05:15 PM

Inquirer file photo

Binigyan na ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police para muling mapasama sa war on drugs ng pamahalaan.

Gayunman, nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque na mananatili pa rin na lead agency ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing kampanya.

Sinabi ni Roque na lahat ng magiging operasyon ng mga pulis laban sa droga ay dapat na maging well-coordinated sa PDEA ayon na rin sa naging direktiba ng pangulo.

Maliban sa PNP, pinapayagan na rin na sumama sa war on drugs ang National Bureau of Investigation at iba pang law enforecement ageny sa ilalim ng kahalintulad na kundisyon ng Malacañang.

Ipinaliwanag ni Roque na batid ng pangulo na kulang ang mga tauhan ng PDEA para sugpuin ang iligal na droga kaya kinailangan ang tulong ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Nilinaw rin ng kalihim na hindi ito nangangahulugan na pwede na muling buhayin ng PNP ang kanilang Oplan Tokhang tulad ng kanilang ginawa noong sila pa ang lead agency sa war on drugs.

TAGS: duterte, Oplan Tokhang, PDEA, PNP, Roque, duterte, Oplan Tokhang, PDEA, PNP, Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.