Mga napatay sa war on drugs mga small-time lang ayon kay Justice Carpio
Kinuwestiyon ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung bakit mga maliliit na mga street level na drug pusher at mga adik lamang ang tinututukan ng Oplan Tokhang ng pulisya at tila pinababayaan ang mga bigtime drug lord.
Ginawa ito ni Carpio ang pahayag sa pagpapatuloy ngayong araw ng oral argument sa petisyon na kumukuwestiyun sa legalidad ng war on drugs ng pamahalaan.
Nakasaad aniya kasi sa PNP Memorandum Circular 16-2016 na ang mga Chinese at mga Filipino-Chinese ang pinanggagalingan ng bulto ng drug supply sa bansa.
Ang ipinagtataka ni Carpio kung bakit marami sa 3,806 na sinasabi sa ulat ng Solicitor General na namatay sa mga legitimate police operation ay pawang mga small time na pushers lamang.
Paglilinaw ni Solgen Jose Calida, hindi sila namimili ng hinahabol sa anti-drug campaign at kasama sa kanilang kampanya pati ang mga bigtime drug lord.
Sabi pa ni Carpio, Base din aniya sa datos ng PDEA, nasa apat na milyon ang mga drug addict sa bansa kaya tinanong nito si Calida na dapat bang asahan na marami pa ang mamamatay sa anti-illegal drug campaign na sinagot naman ng solgen na “I hope not.”
Kaugnay nito, inatasan ni Carpio si Calida na magsumite ng mga impormasyon tungkol sa mga namatay sa legitimate police operation kabilang ang mga pangalan ng mga napatay ganun rin ang petsa at lugar kung saan namatay ang mga pinaniniwalaang drug personalities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.