Mga sangkot sa Dengvaxia vaccination program mananagot sa batas ayon kay Hontiveros

By Ruel Perez December 05, 2017 - 03:36 PM

Inquirer file photo

Susuportahan ni Sen. Risa Hontiveros ang gagawing imbestigasyon ng Senado kaugnay sa posibleng naging kapabayaan sa pagbakuna ng Dengvaxia vaccine kahit hindi pa tapos ang clinical trial nito.

Ayon kay Hontiveros, na dating Chairperson ng Senate Committee on Health na dapat umanong mapalutang sa gagawing imbestigasyon kung nagkaroon ba ng kapabayaan lalo at lumalabas na nagmadali ang Department of Healt sa vaccination program laban sa dengue

Paliwanag pa ng Senadora, susuportahan din niya kung sisilipin din sa gagawing imbestigasyon kung may sangkot na korapsyon sa usapin ng Dengvaxia anti-dengue vaccine kahit sino pa ang tamaan maging sa nakalipas o kasalukuyang administrasyon

Giit ng mambabatas,  kailangang mapanagot ang may sala at kapabayaan sa usapin ng Dengvaxia lalo at kapakanan ng mga bata ang pinag-uusapan.

TAGS: Dengvaxia, doh, hontiveros, Senate, Dengvaxia, doh, hontiveros, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.