P3.5B na ibinayad para sa Dengvaxia, dapat isauli ng Sanofi

Dapat umanong i-refund ng kumpanyang Sanofi ang P3.5 billion na ibinayad para sa Dengvaxia vaccine.

Paliwanag ni Senator Ralph Recto, walang ibang choice ang Sanofi kundi sundin ang Procurement Law na nagtatakda ng pagbabalik ng halagang naibayad na galing sa buwis ng taong bayan kung ang produkto ay hindi pala epektibo.

Sa ilalim ng RA 9184, kailangan na i-reimburse ng Sanofi ang nabanggit na halaga dahil lahat ng mga government purchases ay nasasakop ng mandatory warranty.

Maliban dito, mayroon umanong kinakailangan na retention money ang RA 9184 na ibabayad sa gobyerno hangga’t hindi nagla-lapse ang warranty upang matiyak na walang depekto ang mga nabiling produkto.

Giit ni Recto, standard umano ang probisyon na ito sa mga kontrata sa gobyerno maliban na lamang kung may nagpabaya at hindi ito nailagay sa kontrata.

 

 

 

 

 

Read more...