Sa kabila ng kontrobersya sa Dengvaxia, DOH bibili ng P7.43B na halaga ng bakuna sa 2018

By Len Montaño December 05, 2017 - 12:14 PM

Bibili ang gobyerno ng 7.43 Billion pesos na halaga ng mga bakuna para sa susunod na taon.

Hakbang ito ng Department of Health (DOH) sa gitna ng kontrobersyal na bakuna sa dengue na Dengvaxia.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang bagong set ng mga bakuna ay para sa mga sakit na trangkaso, Japanese encephalitis, tetanus at measles o tigdas.

Ang nasabing mga bakuna ay ibibigay sa 2018 sa milyun-milyong mga school children, sanggol, buntis at matatanda.

Sinabi ni Duque na napatunayan naman na walang problema sa nabanggit na mga bakuna at mabibigay nito ang kaukulang proteksyon laban sa nasabing mga sakit.

Noon pa anya ginagamit ang mga naturang bakuna at kailangang ituloy para sigurado na ang mga bagong panganak na sanggol ay protektado rin kagaya ng mga nauna nang nabigyan ng bakuna.

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, department of health, Radyo Inquirer, vaccine, Dengvaxia, department of health, Radyo Inquirer, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.