George San Mateo ng PISTON, ipinaaaresto na ng korte

December 05, 2017 - 07:46 AM

Naglabas ng warrant of arrest ang korte laban kay George San Mateo, national president ng grupong PISTON.

Ito ay kaugnay sa isinampang kaso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng paglabag sa Section 20 (k) at Section 24 ng Commonwealth Act No. 14 o Public Service Act matapos magsagawa ng tigil-pasada noong February 27, 2017 para tutulan ang Jeepney Modernization program.

Ayon sa reklamo ng LTFRB, nagdulot ng matinding perwisyo sa commuters ang ginawang tigil-pasada ng PISTON.

Sa inilabas na warrant of arrest ni Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 43 Presiding Judge Don Ace Mariano Alagar, inatasan nito ang National Bureau of Investigation at PNP-CIDG para ipatupad ang arrest order.

Nagtakda naman ng P4,000 piyansa ang korte para pansamantalang kalayaan ni San Mateo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: george san mateo, lower court, Radyo Inquirer, warrant of arrest, george san mateo, lower court, Radyo Inquirer, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.