WATCH: 5 sugatan sa karambola ng mga sasakyan sa Makati City

By Mark Gene Makalalad December 05, 2017 - 06:44 AM SHARE(S):
Kuha ni Mark Makalalad

Nasugatan ang limang katao sa karambola ng tatlong sasakyan sa Makati City.

Sangkot sa karambola ang isang L300, SUV at Elf Truck.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumagilid ang L300 habang ang SUV ay bumangga naman sa nakaparada lamang na truck.

Ayon kay Oscar Gesmundo, nakita niyang mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan.

Binangga ng L300 ang SUV dahilan para tumilapon ang SUV at bumangga sa Elf Truck.

Nasugatan si Gesmundo sa sa binti at likuran, habang isinugod din sa ospital ang driver ng SUV at tatlo pang sakay ng L300.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, makati city, multiple collision, accident, makati city, multiple collision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.