Kinumpirma ng kanyang partido at ng puwersa ng mga rebelde ang pagkamatay ni ex-president Ali Abdullah Saleh matapos ang matinding labanan sa kapitolyo.
Ang pagkamatay ni Saleh ay dalawang araw matapos na ianunsyo nito ang kanyang pagkalas sa mga Houthi na dati niyang kaalyado.
Sa pagkamatay ni Saleh, pinangangambahang lalong umigting ang digmaan sa Yemen na una nang umasa na maaatim ang kapayapaan sa pagtalikod nito sa kanyang mga dating kasamahan.
Si Saleh ay naging presidente ng northern Yemen sa pamamagitan ng isang military coup de ‘etat noong 1978.
Nang mapag-isa ang Yemen noong 1990, ay hinirang itong national president ng bansa.
Taong 2012 nang bumaba ito sa puwesto at nagsilbing isang major political player na sumusuporta sa Houthi rebels sa layuning labanan ang coalition forces sa pangunguna ng Saudi Arabia.