Pulis, pinalaya ng NPA sa North Cotabato

By Kabie Aenlle December 05, 2017 - 12:10 AM

 

Pinalaya na ng New People’s Army (NPA) ang isang pulis na kanilang dinukot sa Kidapawan City noon pang Agosto.

Ayon kay Police Regional Office-12 spokesperson Chief Insp. Aldrin Gonzales, ang pinakawalang pulis ay nakilalang si PO1 Bristol Catalan na isang intelligence agent sa Makilala municipal police office.

Dinukot ng mga rebelde si Catalan habang siya ay bumibiyahe patungong Makilala mula sa Kidapawan noong Agosto.

Si Catalan ay nai-turn over na ng mga miyembro ng Guerilla Front 53 ng NPA sa mga religious leaders sa Barangay Bagumbayan sa Magpet, North Cotabato.

Kinumpirma naman ni Lt. Col. Harold Argamosa ng 39th Infantry Battalion na pinakawalan ng mga rebelde si Catalan sa pamamagitan ng mga madre sa pamumuno ni Cotabato Bishop Jose Colin Bagaforo.

Bukod sa mga religious leaders, nakaagapay din nila ang mga lokal na opisyal na nakipag-negosasyon sa paglaya ni Catalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.