Handa akong harapin ang isyu ukol sa vaccination program-Garin

 

Handa si dating Health Secretary Janette Garin na sagutin ang mga kontrobersiya sa likod ng kanilang ipinatupad na vaccination program kung saan ginamit ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Gayunman, iginiit ni Garin na kanya itong gagawin sa ‘tamang forum at tamang panahon.’

Sa panayam ng Inquirer sa Iloilo City, sinabi ng dating Kalihim na welcome development para sa kanya ang isasagawang imbestigasyon ng Senado at DOJ hinggil sa usapin.

Gayunman, nilinaw ni Garin na hindi pa man siya Kalihim ng DOH ay ipinatutupad na ang vaccination program ng Kagawaran.

Ang proyekto aniya ang isinagawa batay sa mga guidance at recommendation ng mga eksperto mula sa World Health Organization at DOH.

Kung sakali aniyang mapatunayan na mayroon siyang pagkukulang sa implementasyon ng proyekto, ay handa itong tanggapin ang anumang resulta nito.

Gayunman, sa ngayon ay uunahin niya munang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang ama na may sakit.

Read more...