Gayunman, naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat pilitin ang mga predominantly Christian areas sa Mindanao, tulad ng Zamboanga at Davao, na umanib sa bagong autonomous territory.
Ayon pa kay Roque, bumisita talaga si Duterte sa Sulu noong Biyernes para bigyang diin na kasama ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa consultation process para sa panukalang BBl.
Batid aniya ng pangulo na ilang historical injustices na ang dinanas ng mga Muslim sa Mindanao kaya naman isinusulong niya ang BBL na malayo sa orihinal nitong bersyon.
Giit ni Roque, equally inclusive ito at masasakop maging ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), MNLF at mga lumad.
Pero ipinahayag din ng tagapagsalita ang pag-aalala ni Duterte sa mga lugar sa Mindanao kung saan karamihan naman ng mga naninirahan ay pawang mga Kristyano o hindi Muslim.
Dahil dito, nanindigan si Duterte na hindi pa dapat pilitin ang mga ganitong lugar na makiisa sa Bangsamoro entity.
Samantala nilinaw nama ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman na wala namang lugar na pipiliting sumama.
Ito’y isasalang pa sa botohan sa plebesito ang magiging bagong entity at nasa desisyon ito ng mga lokal na pamahalaan ng mga nasabing lugar kung sila ay sasama sa Bangsamoro territory.