Mga lugar na may Kristiyano sa Mindanao, hindi dapat pilitin sa BBL-Roque

By Kabie Aenlle December 05, 2017 - 03:29 AM

 

Nananatiling malakas ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na naglalayong bumuo ng inclusive Bangsamoro autonomous authority.

Gayunman, naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat pilitin ang mga predominantly Christian areas sa Mindanao, tulad ng Zamboanga at Davao, na umanib sa bagong autonomous territory.

Ayon pa kay Roque, bumisita talaga si Duterte sa Sulu noong Biyernes para bigyang diin na kasama ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa consultation process para sa panukalang BBl.

Batid aniya ng pangulo na ilang historical injustices na ang dinanas ng mga Muslim sa Mindanao kaya naman isinusulong niya ang BBL na malayo sa orihinal nitong bersyon.

Giit ni Roque, equally inclusive ito at masasakop maging ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), MNLF at mga lumad.

Pero ipinahayag din ng tagapagsalita ang pag-aalala ni Duterte sa mga lugar sa Mindanao kung saan karamihan naman ng mga naninirahan ay pawang mga Kristyano o hindi Muslim.

Dahil dito, nanindigan si Duterte na hindi pa dapat pilitin ang mga ganitong lugar na makiisa sa Bangsamoro entity.

Samantala nilinaw nama ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman na wala namang lugar na pipiliting sumama.

Ito’y isasalang pa sa botohan sa plebesito ang magiging bagong entity at nasa desisyon ito ng mga lokal na pamahalaan ng mga nasabing lugar kung sila ay sasama sa Bangsamoro territory.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.