26-anyos na ginang patay matapos mag-collapse sa loob ng MRT

By Jay Dones December 05, 2017 - 12:41 AM

 

Pumanaw na ang isang 26-anyos na ginang na nawalan ng malay habang lulan ng isang tren ng MRT, Lunes ng tanghali.

Sa statement na inilabas ng Department of Transportation, kinilala ang biktima sa pangalang Marielle Ann Mar, na nasawi dalawang oras matapos itong isugod sa pagamutan.

Si Mar, ayon sa DOTr ay lulan ng isang southbound train ng MRT na papalapit na sa Ortigas station nang bigla itong mag-collapse sa hindi matukoy na dahilan.

Pagsapit sa istasyon, sinikap pang i-revive ng staff ng MRT ang ginang ngunit nanatili itong walang malay kaya’t isinugod ito sa Victor R. Potenciano Medical Center sa Mandaluyong City.

Gayunman, makalipas ang dalawang oras, ay tuluyan itong binawian ng buhay.

Hindi naman nagbigay ng statement ang pamilya ng nasawi sa posibleng dahilan ng biglaang pag-collapse ng 26-anyos na ginang.

Matatandaang noong nakaraang buwan, isang ginang rin ang naputulan ng braso makaraang mahulog sa riles ng tren at masagasaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.