Rollback sa presyo ng diesel at kerosene, epektibo na

By Kabie Aenlle December 05, 2017 - 01:27 AM

 

Epektibo na ang rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis ngayong araw ng Martes, December 5, 2017.

Ito’y matapos ang ilang linggong sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Base sa kanilang magkakahiwalay na abiso, magba-baba ng 30 centavos sa kada litro ng diesel ang kumpanyang Petron, Flying V, Eastern, Phoenix, PTT, SeaOil, Shell at Total.

Samantala, 30 centavos din ang ikakaltas ng mga kumpanyang Petron, Flying V, SeaOil at Shell.

Lahat ng pagbabago sa presyo ng langis ay magsisimula alas-6:00 ng umaga maliban sa Flying V na nauna nang magpatupad kannang hatinggabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.