Ayon kay Umali, ito ang notice na natanggap ng kanyang komite mula sa ombudsman.
Sinabi ni Umali na base sa kanyang natanggap na ulat kahit ang SALN ni Sereno noong taong 2002 na nasa file ng UP Diliman ay wala rin sa Office of the Ombudsman.
Sa pagpapatuloy na pagdinig ng komite ng kamara sa probable cause reklamong impeachment laban sa Punong Mahistrado, naglabas ang mga ito ng subpoena sa Ombudsman para sa kopya ng SALN ni Sereno simula taong 2000 hanggang 2009.
Ito ay upang makita kung idineklara ng punong hukom ang P30M kinita nito sa PIATCO case.
Samantala, magtatapos ngayong araw ang 72 oras na ibinigay ng komite sa Judicial ang Bar Council upang isumite ang kopya ng SALN ni Sereno./ Erwin Aguilon
Excerpt: Ayon kay Umali, kahit ang SALN ni Sereno noong 2002 na nasa file ng UP Diliman ay wala rin sa Office of the Ombudsman.