Nat’l ID system bill, maipapasa sa unang bahagi ng 2018

By Ruel Perez December 05, 2017 - 02:00 AM

 

Tiniyak ni Senator Panfilo Lacson na maipapasa sa unang bahagi ng taong 2018 ang panukalang National Identification System.

Kumpyansa si Lacson na ito ay maisasakatuparan lalo pa at buo din ang suporta dito ng Duterte administration.

Paliwanag ni Lacson, mahalagang maipatupad na ang ID system sa Pilipinas sa lalong madaling panahon lalo at tiyak na makatutulong ito sa pagkakaloob ng serbisyo sa publiko at pagpapadali ng transaksyon sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pribadong institusyon tulad sa mga bangko.

Maliban dito, magiging epektibo rin itong paraan para malabanan ang kriminalidad sa bansa.

Bagaman, iginiit ni Lacson na sa kanyang panukala, hindi magiging mandatory o sapilitan ang pagkuha ng national ID at mga impormasyong lalamanin nito ay katulad din lang ng mga detalyeng nakasaad sa kasalukuyang government-issued IDs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.