Makakatanggap ng P5,000 Productivity Enhancement Incentive (PEI) ang mga empleyado ng pamahalaan sa December 15.
Ito ay dahil sa order na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) na Budget Circular No. 2017-4.
Sa ilalim ng naturang circular, makakatanggap ng incentive ang lahat ng opisyal at empleyado ng local government units (LGUs), lahat ng unipormadong pulis at sundalo, lahat ng empleyado sa ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura, manggagagawa sa mga state universities and colleges (SUCs), at mga empleyado ng mga government owned and controlled corporations (GOCCs) na hindi sakop ng Republic Act 10149.
Ayon pa sa DBM, ibibigay ang bonus para sa mga empleyadong nagbigay ng ‘satisfactory service’ sa loob ng hindi bababa sa apat na buwan hanggang November 30, 2017.